Tinangay ng malamig na
hangin
ang pag-ibig mo sa
akin.
Kasabay inagos ng tubig
sa iloga
ng pagsinta mo aking
irog.
Nawalan ng halimuyak 
mga bulaklak mong alay,
kasunod ay ang
pagtingin 
mong wala nang kulay.
Lumipad palayo sa akin 
ang iyong halakhak,
At ang tangin
nakakarinig
ay ang alapaap.
Binura ng panahon
mga pangako mo sa akin.
Unti unting kumupas
pagmamahalan nating
angkin.
Galit ang maririnig sa
bibig 
mongdati’y matamis
manalita,
wala nang ngiti o bakas
ng saya
sa maamo mong mukha.
Dati’y ngalan ko ang
sinasambit 
ng iyong mga labi,
At sa puso mo ngayon 
ay may kahati.
Nilimot ng panahon 
mga araw nating kay
saya,
at ngayon bakas ang
lungkot 
at buhay ko’y
nangungulila.
May lamat na ang
pag-ibigna 
dati’y kay tibay,
at sa mga pagsubok ng
buhay
ngayon di na ikaw ang
kaagapay.
Kasing tagal ng
pagtigil ng ulan
ang pagluha ng aking
mga mata.
Kasing haba ng magdamag
ang tuluyang paglimot
sa iyo sinta.
Ikaw at ang pag-ibig mo
ay tuluyan ng gumuho
at lahat ay masilbing 
alaalang kahapong
lumipas.
Sa paglubog ng araw
mahal ko
isasama ko ang pag-ibig
sa puso ko.
Upang sa muli nitong
pagsikat
ay makapagsimula ng
panibagong 
pahina ng buhay ko 
at magsilbing tanda na
ikaw ay
tuluyang nilimot ko na…
by: jheng manalang prado
 
No comments:
Post a Comment