Tuesday, October 4, 2005

Kahapong Lumipas

Tinangay ng malamig na hangin
ang pag-ibig mo sa akin.
Kasabay inagos ng tubig sa iloga
ng pagsinta mo aking irog.

Nawalan ng halimuyak
mga bulaklak mong alay,
kasunod ay ang pagtingin
mong wala nang kulay.

Lumipad palayo sa akin
ang iyong halakhak,
At ang tangin nakakarinig
ay ang alapaap.

Binura ng panahon
mga pangako mo sa akin.
Unti unting kumupas
pagmamahalan nating angkin.

Galit ang maririnig sa bibig
mongdati’y matamis manalita,
wala nang ngiti o bakas ng saya
sa maamo mong mukha.

Dati’y ngalan ko ang sinasambit
ng iyong mga labi,
At sa puso mo ngayon
ay may kahati.

Nilimot ng panahon
mga araw nating kay saya,
at ngayon bakas ang lungkot
at buhay ko’y nangungulila.

May lamat na ang pag-ibigna
dati’y kay tibay,
at sa mga pagsubok ng buhay
ngayon di na ikaw ang kaagapay.

Kasing tagal ng pagtigil ng ulan
ang pagluha ng aking mga mata.
Kasing haba ng magdamag
ang tuluyang paglimot sa iyo sinta.

Ikaw at ang pag-ibig mo
ay tuluyan ng gumuho
at lahat ay masilbing
alaalang kahapong lumipas.

Sa paglubog ng araw mahal ko
isasama ko ang pag-ibig sa puso ko.
Upang sa muli nitong pagsikat
ay makapagsimula ng panibagong
pahina ng buhay ko
at magsilbing tanda na ikaw ay
tuluyang nilimot ko na…


by: jheng manalang prado