Sunday, November 6, 2005

Kapag Nag-Iisa

Kapag nag-iisa,
bumabalik ang mga alaala
nating dalawa.
Alaala ng pag-ibig na nabalot
ng saya at lungkot.

Kapag nag-iisa,
muling nanunumbalik
ang init ng iyong halik
at muling nalalasap
ang higpit ng iyong yakap.

Kapag nag-iisa,
di ko mapigil ang pagtulo ng mga luha
sa aking mga mata,
sapagkat sariwa pa sa aking isipan
ang pait ng iyong paglisan.

Kapag nag-iisa,
muling binubuo ang mga piraso
ng mga pangarap natin, giliw ko,
na maglalakbay ng magkaagapay
kahit pa abutin sa kabilang buhay.

Kapag nag-iisa,
nabubuhay ang iyong pangako
na habang buhay ay ako
ang laman ng puso’t isip mo
at mamahalin ng higit pa sa buhay mo.

Kapag nag-iisa,
unti unting dinudurog ang puso ko
kapag natatanaw na magkasama kayo,
magkahawak ang kamay at maligaya
tanda na ako’y tuluyang nilumot mo na.

Kapag nag-iisa,
ako’y lubos na nagsisisi
sa aking pagkakamali,
at sa iyo’y nagsusumamo
na gawaran ng patawad mo.

Kapag nag-iisa,
doon ko na lang maaaring sambitin
na mahal na mahal kita.
Ikaw pa rin ang laman ng puso ko
di magbabago kahit pumanaw man ako.

Kapag nag-iisa,
pinipilit maging masaya
kahit puso ko’y nagdurusa.
Kumakapit pa rin sa pag-asangbalang araw ika’y babalik pa
kahit puso mo’y pag-aari na ng iba.


by: jheng manalang prado