Noong simple pa ang
mundo,
payapang namumuhay ang
mga tao
malinis ang paligid,
walang away, walang gulo.
May pag-ibig,
kapayapaan at pagbibigayan,
walang inggit, walang
takot at pag-aalinlangan.
Noong simple pa ang
mundo,
Luntian ang kulay ng
kapaligiran
at bughaw naman ang
bakas ng kalangitan.
Ang mga bundok ay hitik
sa puno at bunga,
Salat sa kalat, walang
basura at bihira ang baha.
Noong simple pa ang
mundo,
kay daming isda sa
karagatan ang lumalangoy
walang dumi o basurang
animoy nanaghoy.
Sama samang lumilipad
ang mga ibon sa himpapawid
na parang mga angel na
nagsisipag awit.
Noong simple pa ang
mundo,
sa paligid ay
naglalakbay ang sariwang hangin
at ang mga batang
naglalaro ay kay sarap tanawin.
Ang buhay ay parang munting
paraiso
at di kailanman
ipagpapalit sa kahit na ano.
Ito ay dahil noon,
simple pa ang mundo,
di tulad ngayon na
napaka-komplikado.
Ngayo’y kay dami nang
sa paligid ay binago
kung kaya’t pati ang
tao ay nagbago.
Maitutring pa bang
isang kayamanan
ang dating
mala-paraisong kapaligiran?
O magsisilbi na lamang
na magandang alaala
sa ating puso’t isipan
ang isang kahapong kay ganda?
by: jheng manalang prado