Saturday, November 17, 2001

Silang mga Bata

Maraming bata sa kaldasa ang palaboy
walang makain,
walang tirahan,
walang damit,
walang magulang,
kaya walang nagmamahal.
Kaya’t sa kanilang mukha’y
walang ngiting nakapinta…

Ilan ba sa kanila ang ninakawan ng bukas?
Ilan sa kanila ang inaabuso,
minamaltrato,
kinakastigo,
binubulyawan,
pinapahirapan,
umiiyak,
nagmamakaawa,
kaya’t sa kanilang mga mata’y
bakas ang lungkot at takot sa buhay.

Musmos pa lamang sila
ay banat na ang buto sa trabaho.
Ang ilay ay namamalimos,
nagtitinda,
nagpapa-alipin,
nasa ilalim ng sindikato,
nagnanakaw,p
ero ang perang kanilang kinikita
di naman sa bulsa nila napupunta.

Silang mga bata dapat ay naglalaro,
nagsasaya,
inaaruga,
tinuturauan ng asal,
inaalalayan.
Dapat sila ay binubusog sa pagmamahal
at hindi dapat na sinasaktan.

Di mabilang ang mga bata sa lansangan
na dapat ay nasa paaralan
nag-aaral,
kumakanta,
sumasayaw,
naglalaro.
Sila na dapat ay may matibay na pundasyon
at binibigyan ng magandang kinabukasan.

Ilan sa mga paslit na ito ay kilala ang ating Diyos
na siyang dahilan kung bakit tayo may buhay.
Ilan sa kanila ang marunong magsimba,
magdasal,
humingi ng tawad pag nagkasala,
magpasalamat kapag may biyaya?
Hindi nila alam
dahil sa isip nila nakatanim na sila ay nag-iisa.

Marami sa mga bata ngayon ay patapon na ang buhay.
Lulong sa masamang bisyo,
sangkot sa mga gulo.
Ang ilan kahit sa murang edad
ay nagbebenta ng lamanpara mabuhay.
Kahit may pagkakataon,
ang ilan ay ayaw magbago
dahil nakaukit sa puso nilana sila ay walang kwenta
dahil sa kanila’y walang nagmamahal.

Ilang mga magulang ang naging pabaya?
Mga magulang na dapat ay
matibay na sandigan,
karamay,
kaibigan
at pamilya…
pero ang ilan ang siyang naging dahilan
kaya’t marami sa mga kabataanay bigo sa buhay,
naligaw ng landas,
at mahina ang kalooban…

Silang mga bata…

Na may halakhak na kay sarap pakinggan,
na may tinig na animo’y huni ng anghel sa kalangitan,
na may mukhang masarap titigan,
na may anyong nakakagiliw na yakapin…

Silang mga bata na dapat ay nilalasap
ang magandang pamana ng ating buhay
dahil sila higit kanino manang may karapatan
dahil sila ang may pinakamalakas na tinig.
Sila ang yaman at pag-asa ng bawat pamilya
at ng buong sandaigdigan.


by: jheng manalang prado