Maraming bata sa
kaldasa ang palaboy
walang makain,
walang tirahan,
walang damit,
walang magulang,
kaya walang nagmamahal.
Kaya’t sa kanilang
mukha’y
walang ngiting
nakapinta…
Ilan ba sa kanila ang
ninakawan ng bukas?
Ilan sa kanila ang inaabuso,
minamaltrato,
kinakastigo,
binubulyawan,
pinapahirapan,
umiiyak,
nagmamakaawa,
kaya’t sa kanilang mga
mata’y
bakas ang lungkot at
takot sa buhay.
Musmos pa lamang sila
ay banat na ang buto sa
trabaho.
Ang ilay ay
namamalimos,
nagtitinda,
nagpapa-alipin,
nasa ilalim ng
sindikato,
nagnanakaw,p
ero ang perang kanilang
kinikita
di naman sa bulsa nila
napupunta.
Silang mga bata dapat
ay naglalaro,
nagsasaya,
inaaruga,
tinuturauan ng asal,
inaalalayan.
Dapat sila ay binubusog
sa pagmamahal
at hindi dapat na
sinasaktan.
Di mabilang ang mga
bata sa lansangan
na dapat ay nasa
paaralan
nag-aaral,
kumakanta,
sumasayaw,
naglalaro.
Sila na dapat ay may
matibay na pundasyon
at binibigyan ng
magandang kinabukasan.
Ilan sa mga paslit na
ito ay kilala ang ating Diyos
na siyang dahilan kung
bakit tayo may buhay.
Ilan sa kanila ang
marunong magsimba,
magdasal,
humingi ng tawad pag
nagkasala,
magpasalamat kapag may
biyaya?
Hindi nila alam
dahil sa isip nila
nakatanim na sila ay nag-iisa.
Marami sa mga bata
ngayon ay patapon na ang buhay.
Lulong sa masamang
bisyo,
sangkot sa mga gulo.
Ang ilan kahit sa
murang edad
ay nagbebenta ng
lamanpara mabuhay.
Kahit may pagkakataon,
ang ilan ay ayaw
magbago
dahil nakaukit sa puso
nilana sila ay walang kwenta
dahil sa kanila’y
walang nagmamahal.
Ilang mga magulang ang
naging pabaya?
Mga magulang na dapat
ay
matibay na sandigan,
karamay,
kaibigan
at pamilya…
pero ang ilan ang
siyang naging dahilan
kaya’t marami sa mga
kabataanay bigo sa buhay,
naligaw ng landas,
at mahina ang kalooban…
Silang mga bata…
Na may halakhak na kay
sarap pakinggan,
na may tinig na animo’y
huni ng anghel sa kalangitan,
na may mukhang masarap
titigan,
na may anyong
nakakagiliw na yakapin…
Silang mga bata na
dapat ay nilalasap
ang magandang pamana ng
ating buhay
dahil sila higit kanino
manang may karapatan
dahil sila ang may
pinakamalakas na tinig.
Sila ang yaman at
pag-asa ng bawat pamilya
at ng buong
sandaigdigan.
by: jheng manalang prado