Kapag nag-iisa,
bumabalik ang mga
alaala
nating dalawa.
Alaala ng pag-ibig na
nabalot
ng saya at lungkot.
Kapag nag-iisa,
muling nanunumbalik
ang init ng iyong halik
at muling nalalasap
ang higpit ng iyong
yakap.
Kapag nag-iisa,
di ko mapigil ang
pagtulo ng mga luha
sa aking mga mata,
sapagkat sariwa pa sa
aking isipan
ang pait ng iyong
paglisan.
Kapag nag-iisa,
muling binubuo ang mga
piraso
ng mga pangarap natin,
giliw ko,
na maglalakbay ng
magkaagapay
kahit pa abutin sa
kabilang buhay.
Kapag nag-iisa,
nabubuhay ang iyong
pangako
na habang buhay ay ako
ang laman ng puso’t
isip mo
at mamahalin ng higit
pa sa buhay mo.
Kapag nag-iisa,
unti unting dinudurog
ang puso ko
kapag natatanaw na
magkasama kayo,
magkahawak ang kamay at
maligaya
tanda na ako’y tuluyang
nilumot mo na.
Kapag nag-iisa,
ako’y lubos na
nagsisisi
sa aking pagkakamali,
at sa iyo’y nagsusumamo
na gawaran ng patawad
mo.
Kapag nag-iisa,
doon ko na lang
maaaring sambitin
na mahal na mahal kita.
Ikaw pa rin ang laman
ng puso ko
di magbabago kahit
pumanaw man ako.
Kapag nag-iisa,
pinipilit maging masaya
kahit puso ko’y
nagdurusa.
Kumakapit pa rin sa
pag-asangbalang araw ika’y babalik pa
kahit puso mo’y
pag-aari na ng iba.
by: jheng manalang prado
No comments:
Post a Comment