Paano ko ba sisimulan
ang pagsulat ng tula
ng pag-ibig nating dalawa?
Sisimulan ko ba sa pagsikat ng araw
kung saan una tayo nagkita?
O noong pa-dabit hapon na
kung saan pormal kitang nakilala?
Natatandaan ko pa
may kislap na taglay
ang ating mga mata
noong una itong magtama.
Kaagad na gumuhit ang ngiti
sa pisngi ng ating mga mukha.
Nabalot man ng katahimikan
ang mga unang sandaling
tayo’y nagtagpo,
sa aking pagtulog baon-baon ko
ang sayang dulot nito sa aking
puso.
Sa mga sandaling iyon,
batid nating mayroong
isang magandang simula na
tatawagin nating
“Ikaw at ako”.
Simula ng pagmamahalang
may magandang pangako.
Dumaan ang mga araw
at ako’y iyong pinasyal
sa mundo mong malayo sa siyudad
na kung saan ang paligid ay
puno ng pag-ibig na hubad.
Ang mga halaman at bulaklak
wari’y sumasayaw sa galak
dahil ang ating mga kamay ay
magkahawak.
Ang simoy ng hangin
ay kasing lamig ng
iyong mga yakap na nakakapit
sa buo kong katawan.
At ang kumpas ng alon sa dagat
ay nagpapahiwatig
na bagyo man ang dumaan
kaya mong langunin
wag lang tayo umabot sa paglisan.
May kiliting dulot
ang bawat paggising ko sa umaga
dahil sa ating tagpuan
ikaw ay naghihintay na.
Dala-dala ang iyong gitara
na wari’y sa aki’y manghaharana.
Ang huni ng mga ibon ay tila awit
sa ating mga tenga
habang tayo ay papunta
sa tabing ilog kung saan
una mong sinabi
“Mahal Kita.”
Ang mga sumunod pang mga araw
ay langit sa piling mo.
Ngunit dumating ang oras na
kailangang lumisan ako
pabalik sa mundong
ginagalawan ko.
Dumaloy ang luha
sa ating mga mata
kasabay ng pagbuhos ng ulan.
Kasabay din ba ng pagsara
ng pintuan ng mga puso
nating nagmamahalan?
Doon sa ating tagpuan
ako ay nagpaalam.
Inabot mo ang iyong larawan at
sinabing
“itago mo at palagi mong tignan,
para ako ay hindi mo malimutan.”
Umuwi akong bitbit ang bagahe
ng kalungkutan
at hinarap ang aking mundong
di ka man lang mahagkan.
Ang pabaon mong larawan
ang tangi kong kinakapitan.
Umaasa na darating ang araw
na muli tayong magkakasama.
Walang araw na dumaan
na di ka nawala sa king isipan.
Ang langit ay may hatid na tuwa
handog nito’y isang sulat
galing sayo sinta.
Mga sulat kung saan nakalathala
kung gaano ayaw mo akong mawala.
Nakasaad sa liham mo
“hintayin mo ako, darating ako.”
Tanda na magkalayo man ang
ating mundo,
handa kang sumugal makamtan lang
ang pag ibig ko.
Ang puso ko ay lalong nagalak
Nang lubusan kong malaman
na ang pag ibig mo ay busilak.
Gumawa ka ng isang tulay
para ang mundo mo at mundo ko
ay magtagpo.
Doon mo tinatahak ang daan
para baybayin ang sandaling
makausap lang ako sa telepono
at marinig ang tinig ko.
Milya milya man ang layo
At magkabilang sulok
ang ating mundo
ang ating mundo
di mo inalintana ang pagod
magkasama lang tayo.
Ngayon parang isang panaginip
Ngayon parang isang panaginip
nandito ka sa piling ko
kaya’t ang saya ko ay
kaya’t ang saya ko ay
abot hanggang langit.
Sa ilalim ng liwanag
ng mga bituin,
di mo maalis sa akin
ng mga bituin,
di mo maalis sa akin
ang iyong tingin.
Ang mga mata mo’y nangungusap
tila sinasabi ika’y
nakamtan na pangarap.
Ang mga mata mo’y nangungusap
tila sinasabi ika’y
nakamtan na pangarap.
Saksi ang buwan
sa pagdampi ng ating mga labi.
At ang init ng iyong halik
ay damang dama ng
sa pagdampi ng ating mga labi.
At ang init ng iyong halik
ay damang dama ng
buo kong katawan.
Pagkatapos ay iyong sinambit
“Mahal kita at kahit kailan
sa isip ko’y di ka nawaglit.”
“Mahal kita at kahit kailan
sa isip ko’y di ka nawaglit.”
Doon sumagot ako at aking sinabi
“Mahal din kita, at kahit kanino’y
di ka ipagpapalit.”
“Mahal din kita, at kahit kanino’y
di ka ipagpapalit.”
Hinawakan mong maigi
ang aking kamay
na parang isang batang sa
kanyang ina’y ayaw mawalay.
ang aking kamay
na parang isang batang sa
kanyang ina’y ayaw mawalay.
Niyakap mo ako ng mahigpit
kay tagal…
kay sarap…
at parang ayaw bumitiw
kay tagal…
kay sarap…
at parang ayaw bumitiw
sa pagkakakapit.
Sa pagkakataong ito
tayo ay tumahi ng mga alala
na magduduktong sa puso
nating dalawa.
tayo ay tumahi ng mga alala
na magduduktong sa puso
nating dalawa.
Mga alalaang ating babalikan
habang tayo ay nabubuhay
na magsisilbing gabay
ng ating pagmamahalan.
habang tayo ay nabubuhay
na magsisilbing gabay
ng ating pagmamahalan.
Ngunit sadyang mapaglaro ang
tadhana
sa kabila ng saya
kasunod ay lungkot na dala dala.
Bakit kailangan ikaw naman ang lumisan?
sa kabila ng saya
kasunod ay lungkot na dala dala.
Bakit kailangan ikaw naman ang lumisan?
Paano ang pangakong pagmamahalan.
Sa iyong pag alis
nagkulang ang aking pagkatao
dahil bitbit mo ang isang parte ng puso ko.
nagkulang ang aking pagkatao
dahil bitbit mo ang isang parte ng puso ko.
Parang isang bagyo
na di ko alam kung kailan matatapos
maghihintay hanggang sa sumikat ang araw
at mahagkan ka muli ng lubos.
na di ko alam kung kailan matatapos
maghihintay hanggang sa sumikat ang araw
at mahagkan ka muli ng lubos.
Lumakad ang panahon
ng wala ka sa piling ko.
ng wala ka sa piling ko.
Dumaan ang mga araw
na tanging mga alaala natin
ang siyang tinatanaw.
na tanging mga alaala natin
ang siyang tinatanaw.
Sa bawat umaga
hinahanap ka ng aking mg mata.
hinahanap ka ng aking mg mata.
At wari’y ang tinig mo’y
nauulinigan ng aking tenga.
nauulinigan ng aking tenga.
Nais sambitin ng labi ko na
Mahal na Mahal kita
ngunit tanging katahimikan
ang sumagot sa aking mga kataga.
Mahal na Mahal kita
ngunit tanging katahimikan
ang sumagot sa aking mga kataga.
Inanod ng agos ng tubig sa ilog
ang pag-ibig sa puso nating dalawa,
ang pag-ibig sa puso nating dalawa,
Tanong ko sa hangin
ikaw ba’y lumisan na?
ikaw ba’y lumisan na?
Naghihintay ng sagot hanggang sa
pagtulog.
Nawala ka ng hindi ko
alam ang dahilan.
Hindi mo na ba ako mahal?
Yan ang palagi kong tanong
sa Maykapal.
O sadyang binali mo na ang
pangako mong
hinding-hindi mo ako pakakawalan?
Yan ang palagi kong tanong
sa Maykapal.
O sadyang binali mo na ang
pangako mong
hinding-hindi mo ako pakakawalan?
Sa mahabang panahon na nagdaan
di ka nawala saking isipan.
di ka nawala saking isipan.
Sa puso ko’y may lugar na sa iyo’y
nakalaan
umaasa akong nandyan pa rin ako
sa puso mong dati ay ako ang laman.
umaasa akong nandyan pa rin ako
sa puso mong dati ay ako ang laman.
May bagong halimuyak
ang mga bulaklak.
ang mga bulaklak.
May bagong tinig sa puso
ko’y umaawit.
ko’y umaawit.
Ako ba ay handa na sa panobagong
pag-ibig?
pag-ibig?
Binuksan ko ang pinto ng puso ko
at sumulat ng panibagong pahina
sa buhay ko.
at sumulat ng panibagong pahina
sa buhay ko.
Magpipinta ng bagong alalaa
na walang bakas ng ikaw at ako.
na walang bakas ng ikaw at ako.
Muling nagkaron ng bahaghari
ang kalangitan.
ang kalangitan.
Dahil natapos na ang dilim
ng kalungkutan ng iyong paglisan.
ng kalungkutan ng iyong paglisan.
At nalaman kong
Sumikat na rin ang araw
sa malungkot mong umaga.
sa malungkot mong umaga.
At sa paggising mo
hindi na ako ang nasa piling mo.
hindi na ako ang nasa piling mo.
Ngunit bakit kung kailan
pareho na tayong may mga
pananagutan,
muli kang bumalik at
sa aki’y nagparamdam.
Mahabang panahon akong nangulila
matagal na panahong umiyak
dahil sa’yo sinta.
pareho na tayong may mga
pananagutan,
muli kang bumalik at
sa aki’y nagparamdam.
Mahabang panahon akong nangulila
matagal na panahong umiyak
dahil sa’yo sinta.
Ngayon nandito ka kapiling kita
pero mayroon na tayong ibang sinisinta.
pero mayroon na tayong ibang sinisinta.
Ngutnit ramdam ko
ang tibok ng iyong puso
nung ako’y muling hinagkan mo.
ang tibok ng iyong puso
nung ako’y muling hinagkan mo.
Narinig kong ako pa rin
ang tinitibok nito.
ang tinitibok nito.
Ang mga yakap mo’y kasing higpit
pa rin nung una mo akong hinagkan,
ayaw bumitiw,
pa rin nung una mo akong hinagkan,
ayaw bumitiw,
ayaw akong pakawalan.
Nakita ko pa rin ang ningning sa
iyong mga mata,
katulad ng galak nung
tayo’y magkasintahan pa.
iyong mga mata,
katulad ng galak nung
tayo’y magkasintahan pa.
Ganun pa rin ang paghawak mo
sa aking mga kamay,
mahigpit, makapit,
sa aking mga kamay,
mahigpit, makapit,
tila ayaw akong mawalay.
Ang yong mga halik sa aking labi
ay sing tamis pa rin ng dati.
Muli kong narinig na iyong sinambit
“Mahal kita…
Mahal pa rin kita…
Mamahalin pa rin kita…
ay sing tamis pa rin ng dati.
Muli kong narinig na iyong sinambit
“Mahal kita…
Mahal pa rin kita…
Mamahalin pa rin kita…
Kahit kailan hindi ka nawala sa
aking isipan.”
Ang tingin sa yong mga mata’y
tila humihingi ng kapatawaran
sa aming nakaraang
tila humihingi ng kapatawaran
sa aming nakaraang
kanyang pinanghihinayangan.
Luha..
Walang tigil na pag-agos ng luha
sa aking mga mata.
sa aking mga mata.
Mahigpit kitang niyakap
At sinabing…
“Mahal kita noon…
“Mahal kita noon…
At mas Mahal kita ngayon.”
Mahirap…
Mali…
Ngunit nagkaroon ng panibagong
pahina ang libro ng pag-ibig
nating dalawa.
pahina ang libro ng pag-ibig
nating dalawa.
Mabigat man ang balakid
na kinakaharap natin,
ngunit nakakapagsulat tayo
ng maraming pahina sa
aklat ng pagmamahalan natin.
na kinakaharap natin,
ngunit nakakapagsulat tayo
ng maraming pahina sa
aklat ng pagmamahalan natin.
Hindi man puro kwento ng saya
dahil may lungkot din itong dala.
Ang importante,
ang nakalathala.
ay kwento nating dalawa.
ang nakalathala.
ay kwento nating dalawa.